The Avenue of Romeo Mataac, Jr.

Romeo Mataac, Jr.
Menu
  • Home
  • About
  • Advocacy
    • Community Involvement
    • Marinduque News Online
  • Avenue
    • Leisure
    • Writings and Speeches
  • Travel
    • Luzon
    • Visayas
    • Mindanao
    • World
  • News
  • Log In
Showing posts with label Sulat. Show all posts
Showing posts with label Sulat. Show all posts

Saturday, November 15, 2008

From Atty. Rhina Zoleta Seco

By Romeo Mataac, Jr.Saturday, November 15, 2008Sulat 1 comment
Romeo,

Hi! I would like to take part in the screening of scholars. I want the latest ITR, last Sem's Grades and the biodata of possible scholars.

I will require a contract with your organization as witness.

Thank you.


Atty. Rina Seco
31 October 2008
02:02 PM
Read More

From Dr. Ofelia Rosales

By Romeo Mataac, Jr.Saturday, November 15, 2008Sulat No comments
Romeo,

Thank you for very inspiring message.

Thanks God for you are a good Man.

Please keep it up amids your succes in life.

God Bless.


Dr. Ofelia Rosales
15 November 2008
12:08
Read More

Tuesday, November 11, 2008

Letter from Kua Jun Festin

By Romeo Mataac, Jr.Tuesday, November 11, 2008Sulat No comments
Romeo,

Good morning bro. You may set a meeting anytime. Just text me if when and where?

I also launched a new business, www.iwebb.net.

Hope you can refer me to your friends.

Thank you. God Bless.


Kua Jun Festin
16 October 2008
5:55
Read More

Thursday, October 23, 2008

Minamahal kong anak,

By Romeo Mataac, Jr.Thursday, October 23, 2008Sulat No comments
Minamahal kong anak,

Medyo mabagal akong mag type ngayon dahil alam kong mabagal kang magbasa. Nandito na kami sa probinsya para tirahan ang bagong bili na bahay. Pero hindi ko maibigay sa iyo ang address dahil dinala ng dating nakatira ang number para daw hindi na sila magpapalit ng address.

Maganda ang lugar na ito at malayo sa Manila. Dalawang beses lang umulan sa linggong ito, tatlong araw noong una at apat na araw noong pangalawa.

Nakakainis lang ang mga paninda dito katulad nung nabili ko na shampoo, ayaw bumula. Nakasulat FOR DRY HAIR kaya hindi ko binabasa ang buhok ko pag ginagamit ko. Mamaya ay ibabalik ko sa tindahan at magrereklamo ako.

Noong isang araw naman ay hindi ako makapasok sa bahay dahil ayaw bumukas ng padlock. Nakasulat kasi ay YALE, eh aba namalat na ako sa kasisigaw ay hindi pa din bumubukas. Magrereklamo din ako sa nagbenta ng bahay, akala nila hindi ko alam na SIGAW ang tagalog ng YALE, wise yata ito!

Mayroon nga pala akong nabili na magandang jacket at tiyak na magugustuhan mo. Ipinadala ko na sa iyo sa dahil medyo mahal daw dahil mabigat ang mga botones kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko na lang ang mga botones at inilagay ko na lang sa bulsa ng jacket. Ikabit mo na lang pag dating diyan.

Nagpadala rin ako ng tseke para sa mga nasalanta ng bagyo, hindi ko na pinirmahan dahil gusto ko na maging anonymous donor.

Ang kapatid mo palang si Jhun ay may trabaho na dito, mayroon siyang 500 na tao na under sa kanya. Nag-gugupit siya ngayon ng damo sa memorial park, okey naman ang kita above minimum ang sahod.

Nakapanganak na rin pala ang ate baby mo, hindi ko pa alam kung babae o lalake kaya hindi ko pa masasabi na kung ikaw ay bagong uncle or auntie.

Isa pa nga pala, babalik ako diyan sa Oktubre pero naguguluhan ako. Di ba yung Victory Liner, BLTB Liner, Pascual Liner at Alfonso Liner ay mga pampasaherong bus. Yung Panty Liner, bus din ba yun? Saan ba ang Terminal nila?

At saka nga pala, me nag-interview sa akin diyan at nakalimutan kong banggitin sa iyo taga Magandang Umaga Bayan daw siya at nakunan ako sa TV ang tanong sa akin ay ano raw sa salitang english ang Kulangot. Di ko nasagot... ikaw anak, alam mo?

Wala na akong masyadong balita. Sumulat ka na lang ng madalas ha.

Love,
Tatay

P.S. Maglalagay sana ako ng pera kaya lang ay naisara ko na ang envelope. Next time na lang ha.
Read More

Tuesday, October 21, 2008

Dear Anak

By Romeo Mataac, Jr.Tuesday, October 21, 2008Sulat No comments
Dear Anak,

Naipadala ko na ang 50 libong pangtuition mo, pinagbili namin ung kalabaw natin…ang mahal pala ng kursong “COUNTER STRIKE” n kinukuha mo, ano? Wala na rin pala tayong mga baboy, naipagbili na rin namin para don sa sinasabi mong project na “Nokia N75”, ba yon? Anak, ang mahal nman ng project mo! Kasama din don yung pitong libo peso na para sa field trip nyo sa “MALL OF ASIA”, Malayo ba yun, mag-ingat ka sa pagpunta don ha? Isasanla pa namin yung palayan na minana ng tatay mo sa lolo mo para mabili mo yung instrumentong “IPOD” na panglaboratoryo mo kako? Napailaw mo na ba yung pinagpuyatan nyong “SANMIGLIGHTS”. Cge anak, maga-ingat ka palagi jan. Siya nga pala don ka na lang sa sinasabi mong service ng kaibigan mo masakay…para makamura ka ng pamasahe…TAXI ba ang tawag don?

PS…

Anak sana grumaduate ka na sa napili mong karera, walong taon b talaga yan..parang duktor rin pala ang kahanay mo ano?

Nagmamahal

Itay at inay
Read More

Sa aking Anak,

By Romeo Mataac, Jr.Tuesday, October 21, 2008Sulat No comments
Sa aking Anak,

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.

Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng "binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako.
Huwag mo sana akong pagtatawanan o
pagsasawaang pakinggan.

Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko.
Madaling magkasakit kapag nalamigan,
huwag mo sana akong pandirihan.
Natatandaan mo noong bata ka pa?
pinatyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.

Kapag may konti kang panahon,
magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap.

Alam kong busy ka sa trabaho,
subalit nais kong malaman mo na sabik
na sabik na akong makakwentuhan ka,
kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.

Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.

Pagpasensyahan mo na sana kung ako
man ay maihi o madumi sa higaan,
pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay.
Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana ... dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...

Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish
Baliuag, Bulacan
Read More
Older Posts Home

About Myong

Romeo A. Mataac, Jr. is a researcher in a leading global professional services company. He has 5 year background experience in finance and accounting operations and business process outsourcing. Read more, click here...

Loading...

Latest Tweets

A Twitter List by romeomataac

Places I Visited in PH


Blog Archive

  • ▼  2022 (1)
    • July (1)
  • ►  2019 (3)
    • May (1)
    • April (1)
    • January (1)
  • ►  2017 (9)
    • October (1)
    • May (1)
    • April (1)
    • March (2)
    • February (1)
    • January (3)
  • ►  2016 (10)
    • December (1)
    • November (2)
    • July (1)
    • May (2)
    • April (1)
    • March (2)
    • February (1)
  • ►  2015 (2)
    • October (1)
    • September (1)
  • ►  2013 (5)
    • June (1)
    • May (2)
    • April (1)
    • January (1)
  • ►  2012 (12)
    • December (2)
    • November (1)
    • August (2)
    • July (1)
    • May (2)
    • April (2)
    • March (1)
    • February (1)
  • ►  2011 (5)
    • May (1)
    • April (1)
    • February (2)
    • January (1)
  • ►  2010 (7)
    • December (1)
    • November (1)
    • September (1)
    • August (2)
    • July (1)
    • April (1)
  • ►  2009 (13)
    • October (13)
  • ►  2008 (33)
    • December (2)
    • November (14)
    • October (17)

Visitors Counter

Powered by Blogger.
  • Home
  • Community Involvement
  • Blog and Website
  • Travel
  • Writing and Speech
  • Gallery
  • Profile and Contact

Copyright © The Avenue of Romeo Mataac, Jr. | Powered by Blogger
Designed by Romeo Mataac, Jr. | Blogger Theme by Marinduque News Online