Si ama at ina habang sakay ng Air Asia patungong Cebu. |
First time rin silang sasakay ng eroplano.
Sabi ng nanay ko, akala raw n'ya ay hanggang tingin na laang siya sa langit kapag may nadaang eroplano. Akala raw n'ya ay lilisan sila sa mundo na hindi matitikman kung ano ang pakiramdam ng nagabiyahe sa himpapawid.
Excited ang mag-asawa na sumakay ng eroplano. Lumingon pa si ama, huli ka! |
Maliit man na accomplishment para sa iba, maituturing kong isa ito sa most fulfilling na achievement na nagawa ko sa buong buhay ko. Isa kasi sa pangarap ko ay maisakay sina ama at ina sa eroplano hindi man sa ibang bansa ang ruta, pero sa lugar na alam kong makapagpapasaya sa kanila.
Sa Cebu at Bohol ang aming naging destinasyon.
Umalis kami sa NAIA Terminal 4 sakay ng Air Asia Z2775, alas-10:50 ng umaga noong Marso 8, 2016 at lumapag sa Cebu Internatioal Airport pasado alas-12:10 ng tanghali.
Dumeretso kami sa bahay ng aming pinsan na si Gemma sa Consolacion kung saan ay doon kami pansamantalang mananatili.
Kinagabihan ay nagtungo kami sa malapit na fast food restaurant upang maghapunan. Kasama si Gemma, ang kanyang anak na si Ken at ang kanyang mother-in-law. |
Mula sa Cebu City, sakay ng habal-habal ay nagtungo kami sa Taoist Temple. Ito ang pinakamadaling mode of transportation patungo sa templo dahil mataas na lugar ang kinatatayuan nito.
Isa sa mga pahingahan patungo at pabalik sa Taoist Temple |
Ito ang Taoist Temple sa Cebu. Walang entrance fee dito. Kailangan tahimik. Magbigay respeto dahil ang lugar ay sagrado. Hindi pinapayagang mag-take ng picture sa loob ng templo. |
Maaari ring mag-meditate sa lugar na ito. |
Si ama habang nagpapahinga sa ibabang bahagi ng Taoist Temple. Hindi na siya makaakyat dahil masakit ang paa, may rayuma. |
Si ama, ina at ako. May parang ahas na dragon sa itaas na bahagi, naputol na laang sa larawan. Ano kaya ang simbolo ng display na ito? |
Overlooking ang siyudad ng Cebu sa taas ng Taoist Temple. |
Plano rin naming bisitahin si Cardinal Ricardo Vidal apparently he was not arround by then. Si Cardinal Vidal kasi ay aming kababayan. Siya ay nagmula sa Mogpog, Marinduque.
Si nanay 'yong may kibat na bag, habang nananalangin sa Adoracion Chapel sa cathedral. |
Pasado alas-9:00 na ng gabi ng makabalik kami sa Consolocion dahil ma-traffic mula sa Cebu City.
BASAHIN: Sundan ang aming Day 3 adventure, sa Bohol naman kami nagpunta, alamin kung bakit hindi nakasama si ama.
0 comments:
Post a Comment