The Avenue of Romeo Mataac, Jr.

Romeo Mataac, Jr.
Menu
  • Home
  • About
  • Advocacy
    • Community Involvement
    • Marinduque News Online
  • Avenue
    • Leisure
    • Writings and Speeches
  • Travel
    • Luzon
    • Visayas
    • Mindanao
    • World
  • News
  • Log In

Thursday, March 17, 2016

Why do you believe collaboration is important?

By Romeo Mataac, Jr.Thursday, March 17, 2016Writings No comments

Why do you believe collaboration is important? 

Alone we are smart but through collaboration we are brilliant.
Read More

Tuesday, March 15, 2016

Biyaheng Bohol at Cebu: First time nila ama at ina na sumakay ng eroplano

By Romeo Mataac, Jr.Tuesday, March 15, 2016Travel, Visayas No comments
Si ama at ina habang sakay ng Air Asia patungong Cebu.
Sa lahat ng booking sa eroplano at paglagalag na ginawa ko, ito ang pinakamasaya para sa akin dahil for the first time ay makakasama ko sina ama at ina sa pag-travel ko outside Luzon.

First time rin silang sasakay ng eroplano.

Sabi ng nanay ko, akala raw n'ya ay hanggang tingin na laang siya sa langit kapag may nadaang eroplano. Akala raw n'ya ay lilisan sila sa mundo na hindi matitikman kung ano ang pakiramdam ng nagabiyahe sa himpapawid.

Excited ang mag-asawa na sumakay ng eroplano. Lumingon pa si ama, huli ka!
'Yon pala, darating ang panahon na makasasakay rin siya dito.

Maliit man na accomplishment para sa iba, maituturing kong isa ito sa most fulfilling na achievement na nagawa ko sa buong buhay ko. Isa kasi sa pangarap ko ay maisakay sina ama at ina sa eroplano hindi man sa ibang bansa ang ruta, pero sa lugar na alam kong makapagpapasaya sa kanila.

Sa Cebu at Bohol ang aming naging destinasyon.

Umalis kami sa NAIA Terminal 4 sakay ng Air Asia Z2775, alas-10:50 ng umaga noong Marso 8, 2016 at lumapag sa Cebu Internatioal Airport pasado alas-12:10 ng tanghali.

Dumeretso kami sa bahay ng aming pinsan na si Gemma sa Consolacion kung saan ay doon kami pansamantalang mananatili.

Kinagabihan ay nagtungo kami sa malapit na fast food restaurant upang maghapunan. Kasama si Gemma, ang kanyang anak na si Ken at ang kanyang mother-in-law.
Kinabukasan ay ang opisyal na araw ng aming pamamasyal.

Mula sa Cebu City, sakay ng habal-habal ay nagtungo kami sa Taoist Temple. Ito ang pinakamadaling mode of transportation patungo sa templo dahil mataas na lugar ang kinatatayuan nito.

Isa sa mga pahingahan patungo at pabalik sa Taoist Temple

Ito ang Taoist Temple sa Cebu. Walang entrance fee dito. Kailangan tahimik. Magbigay respeto dahil ang lugar ay sagrado. Hindi pinapayagang mag-take ng picture sa loob ng templo.

Maaari ring mag-meditate sa lugar na ito.

Si ama habang nagpapahinga sa ibabang bahagi ng Taoist Temple. Hindi na siya makaakyat dahil masakit ang paa, may rayuma.

Si ama, ina at ako. May parang ahas na dragon sa itaas na bahagi, naputol na laang sa larawan. Ano kaya ang simbolo ng display na ito?

Overlooking ang siyudad ng Cebu sa taas ng Taoist Temple.
Pagkagaling namin ng Taoist Temple ay nagtungo naman kami sa Cebu Metropolitan Cathedral upang magpasalamat sa Panginoon sa lahat ng biyaya na ipinagkaloob niya sa aming pamilya.

Plano rin naming bisitahin si Cardinal Ricardo Vidal apparently he was not arround by then. Si Cardinal Vidal kasi ay aming kababayan. Siya ay nagmula sa Mogpog, Marinduque.

Si nanay 'yong may kibat na bag, habang nananalangin sa Adoracion Chapel sa cathedral.

Ito ang Metropolitan Cathedral sa Cebu. Napakaganda, napakamakasaysayang istruktura. Saksi sa iba't ibang istorya ng lipunan noong panahon ng Kastila hanggang sa kasalukuyan. Simbolo ng isang matatag na Kristiyanismo sa Pilipinas.
Ilan pa sa aming mga pinuntahan ay ang Basilica Minore del Santo Nino de Cebu at Magellan's Cross. Nalowbat na lamang ang baterya ng aking camera at cellphone kaya wala akong picture na sa inyo ay maipakita.

Pasado alas-9:00 na ng gabi ng makabalik kami sa Consolocion dahil ma-traffic mula sa Cebu City.

BASAHIN: Sundan ang aming Day 3 adventure, sa Bohol naman kami nagpunta, alamin kung bakit hindi nakasama si ama.
Read More
Newer Posts Older Posts Home

About Myong

Romeo A. Mataac, Jr. is a researcher in a leading global professional services company. He has 5 year background experience in finance and accounting operations and business process outsourcing. Read more, click here...

Loading...

Latest Tweets

A Twitter List by romeomataac

Places I Visited in PH


Blog Archive

  • ►  2022 (1)
    • July (1)
  • ►  2019 (3)
    • May (1)
    • April (1)
    • January (1)
  • ►  2017 (9)
    • October (1)
    • May (1)
    • April (1)
    • March (2)
    • February (1)
    • January (3)
  • ▼  2016 (10)
    • December (1)
    • November (2)
    • July (1)
    • May (2)
    • April (1)
    • March (2)
    • February (1)
  • ►  2015 (2)
    • October (1)
    • September (1)
  • ►  2013 (5)
    • June (1)
    • May (2)
    • April (1)
    • January (1)
  • ►  2012 (12)
    • December (2)
    • November (1)
    • August (2)
    • July (1)
    • May (2)
    • April (2)
    • March (1)
    • February (1)
  • ►  2011 (5)
    • May (1)
    • April (1)
    • February (2)
    • January (1)
  • ►  2010 (7)
    • December (1)
    • November (1)
    • September (1)
    • August (2)
    • July (1)
    • April (1)
  • ►  2009 (13)
    • October (13)
  • ►  2008 (33)
    • December (2)
    • November (14)
    • October (17)

Visitors Counter

Powered by Blogger.
  • Home
  • Community Involvement
  • Blog and Website
  • Travel
  • Writing and Speech
  • Gallery
  • Profile and Contact

Copyright © The Avenue of Romeo Mataac, Jr. | Powered by Blogger
Designed by Romeo Mataac, Jr. | Blogger Theme by Marinduque News Online