Kung hindi man habulan, taguan, manghuli ng tipaklong sa parang, pagkain ang aming libangan.
Ang tunay nyang pangalan, Irish Ann. Napakalusog na bata, noong kami ay Grade One.
Pag hindi ka nga naman lumusog pagganito ang iyong hapunan. Tiyak lalaki, bubundat ang iyong tiyan.
Lalo pa pag ang kasama, dalawang dilag na nagagandahan. Tayka muna, napakilala ko na ba si Kulasa? Yes, her name is Irene, mabait, maganda, kaibigan kong tunay.
Pagkagaling sa eskwelahan, tigil muna kay Manong Vendor para magtusok-tusok ng fish ball at kikiam. This time level up na, sa medyo mamahaling restaurant.
Noong nagmigrate sa bansa ni Uncle Sam, ako’y lubhang nalungkot, tunay na nagdamdam. Bagama’t dagat, himpapawid ang pagitan, pagkakaibigan nami’y di natinag magpakailanman.
Manapay, lalo pang tumatag, tumibay, tila ba haligi ng isang magarang tahanan.
Kaya salamat sa iyo Ish Ann, mahal kong kaibigan!
Photo courtesy from Ish Ann Quimora (c) 2012
0 comments:
Post a Comment