Isang karangalan na makasama at makilala ng personal ang isang taong puno ng kaalaman at may kahanga-hangang prinsipyo at paninindigan. Si G. Eli J. Obligacion, Direktor at Pangulong Tagapagtatag ng Teatro Balangaw at kasalukuyang consultant ng Office of the Provincial Governor-Province of Marinduque.
Malaki ang naitulong ni G. Obligacion sa larangan ng sining at pagtatanghal sa ating probinsya. Dahilan sa kanyang malawak at makasining na kaalaman, nakalikha siya ng ibat’ibang himno at dula tulad ng “Bulong, Ang Kristo: Pasyondula, Mara Unduk, Sukat Ipag-alab ng Damdamin at marami pang iba. Maraming kabataan ang sa ngayon ay matatagumpay na, ang kanyang natulungan…natulungang mahubog ang kanilang pahak na kaisipan at kamalayan s pag-arte, pagsayaw at pag-awit.
Ilang Marinduqueno pa kaya ang katulad ni Mr. Eli na nagsasabing “Bakit ako mangingibang bayan o bansa pa, gayong masaya na ako dito sa Marinduque…ang gusto ko sila ang pumunta dito sa Marinduque.”
Mr. Eli, nagpupugay po ang Samahan ng mga Kabataang Marinduqueno sa inyo!
0 comments:
Post a Comment