"LIVELIHOOD PROJECTS FOR YOUNG AND OLD"
By Mr. TONY R. MONTERAS
OFW, Riyadh, Saudi Arabia
October 29, 2008, 02:50:30 AM
Sad to learn that our beloved province from past generations to the present has been classified as a 4th Class Province in our archipelago of more than seven thousand (7107) islands. Every Marinduqeno who knows about this will surely think of something that would perhaps enable him to raise a finger and re-activate his somewhat resting-mind. As SAKAMAR (Samahan ng mga Kabataang Marinduqueno) says, "Marinduqueno saan mang dako ng mundo", in our hearts, in our minds and in our spirits, it somehow rings the bell, right? So, it would be realistic in sense should we start our pace towards what it might be called "A Progress Whisper".
I know that some of us are still adamant to move or cooperate nonetheless, no one should blame anyone. We should avoid throwing or dumping our dirts to other's pit. May kasabihan tayong mga Tagalog (Marinduquenos) na kinamulatan natin sa ating mga kanunu-nunuan (somewhat silly pero may sense) na KAPAG TAYO'Y BINALIBAT (binato) NG TINAPAY, KAPAG IYO'Y ATING IBABALIK, DAPAT AY LAGYAN DAW NATIN NG PALAMAN.
Sa kasabihang ito, maraming nagiging Pilosopo Tasyo kung baga, marami din namang nagbibigay ng iba't-ibang pakahulugan lalo na iyong lubhang naaargabyado na talaga. Nakakatawang-nakakainis pero, we can't blame them on their mentalities dahil sila itong nakakaranas ng impact. Totoong ang isang tao, kapag nagiging underdog sa laban (siya'y tila sundalong kapag nasusugatan eh lalong tumatapang) he will do everything in his power to overcome his opponent. Kung baga, ang katwiran ng ibang nagagalit sa bumato sa kanila, "okay, lalagyan ko ng palaman ang tinapay na ibinalibat niya sa akin, pero hindi keso, hindi bacon at lalong hindi hamon, ang aking ipapalaman kundi, blade or dinurog na bubog ............. where and when this thing shall end?
Now, we see the big difference in this reasoning power. It only indicates na dapat lang na maging mabuti tayo sa ating kapwa (GOLDEN RULE) so that whatever bad intention/s they have for us, we may and we can neutralize the same.
Totoo na, and we know how dirty politics is. Hindi lang ito sa ating bansa nangyayari kundi ito'y umiiral din saan mang dako ng mundo at kasalukuyan itong nangyayari sa pinakamayaman at pinakama-impluwensiyang bansa - AMERICA. For me, it is a case to case basis: "Batu-bato sa langit ang tamaan ay huwag magagalit (pangit). Hindi ko na ito i-elaborate pa dahil I know, kayo man ay well-informed on various updated news with IT in place.
So, sa ating maliit na islang probinsiya, with a populace of more than 229,600 (based on 2007 census) law-abiding citizens, hindi ganoong kadaling maiwawaglit ang anumang negatibong bagay na kaugnay ng pamumulitika. This is brought about by the democratic form of government, kung baga, the government by the people for the people (simple as that). Siyempre pa, based on our own experiences, it somewhat results to the fight usually called "ngipin sa ngipin" or "matira ang matibay". And who are the ones who suffer most of such a consequence? HINDI BA'T ANG MGA ORDINARYONG TAO, ANG MGA MAHIHINA AT WALANG KAKAYAHANG LUMABAN? Result! Nawawala ang tinatawag na people empowerment at ang nangingibabaw ay ang mga malalakas lalo na doon sa mga namumuno dahil they have what others claim na "protection", protection in what sense? Hayaan na lamang natin sila after all, everything in this earth has its own destiny. Ipagpasa-Diyos na lang natin sila. "Kullu napsin tha-iqatul almawt", (Everyone Shall Taste Death).
So, let's go back to where we should be. Papaano tayo makakatulong sa pagpapaunlad ng ating mahal na probinsiya? Siyempre pa, may kanya-kanya tayong pamamaraan and I believe na kahit ang isang ordinaryo nating mamamayang hindi nakatuntong sa (mataas na) paaralan ay may unique knowledge, how conventional it maybe, upang maisulong niya ang kanyang maayos na kaisipan sa kapaki-pakinabang na bagay.
Let me, speak or touch about our senior citizens - sila iyong wala na halos inaasahang makaka-suporta sa kanilang mga pangangailangan sa araw-araw. Sila ang ating mga kababayang ulila na at tanging mai-aabot na lang ng mga may mabubuting kalooban (kapithabay o kakilala) at kaisipan ang bumubuhay sa kanila. Many of us have gone so far away home, sila iyong malayung-malayo na ang nararating. Maaaring residente sila sa mga mayayamang bansa, mga Marinduquenos na matatawag nating mayayaman at nabibilang sa upper class ng ating lipunan or ang mga kahalintulad naming mga manggagawa sa ibayong dagat (OFWs) na patuloy na nakikibaka o nakikipagsapalaran dahil kung sa Pilipinas lang, mas maraming kababayan natin ang nagpapaligsahang matanggap sa iisang puwestong kanilang mapapagtrabahuhan.
This is something that can be compared in a weigh scale, with its pivot point (Marinduque) as the base. Bahala na kayo kung ano at alin ang nais ninyong mabigyang paliwanag o katwiran. Karamihan sa atin ay iyong nananatiling nasa base o pinaka-gitna. Wala silang kakayanang pumanig sa kaliwa (mayayaman at maimpluwensiya) maging sa kanan (mga kababayan nating patuloy na nakikipagsapalaran upang masuportahan ang kanilang mga mahal sa buhay).
Ganito ang aking personal na pakahulugan sa pangkasalukuyang estado ng buhay sa ating mahal na probinsiya. Alam kong sa ating pagtutulungan at pakikipag-kooperasyon sa isa't-isa, gaano man ito ka-liit o ka-simple, tayo'y makakagawa ng mga bagay na maaaring maging milestone o huwaran para sa mga susunod na henerasyon ng ating pamilya, angkan at maging probinsiya.
Sa inyong palagay, dapat ba tayong magkanya-kanya? Kung ang iba nating mga kababayan ay nagmimistulang bingi (nagta-taingang-kawali) sa namamaus-na-tawag ng kaunlaran, dapat lang tayong kumilos, huwag natin silang tularan. Maaaring in the long-run, kung tayong mga maliliit ay may mga mabubuting bagay o livelihood projects nang na-accomplished - perhaps they will look at us and finally, they will be able to think na panahon na siguro para ang mga kababayan nating maliliit ay ating matulungan sa "tawag ng kaunlaran".
I am, being an OFW for several decades have planned some livelihood projects na maaaring makatulong o makasuporta sa programa ng ating probinsiya o pamahalaan tungkol sa produksiyon at pagpapasagana ng pagkain. Kung ang mga livelihood projects na ito'y ating maisasakatuparan, marami sa ating mga ordinaryong kababayang umaasa lang sa "biyayang-dagat" (fishing) ang makikinabang, gayundin ang mga magsasakang umaasa sa "sahod-ulan" (farming) meaning kung walang patubig, wala silang maaaning palay.
As I have said, there are some simple and very feasible livelihood projects na maaaring masimulan ninuman sa ating mga kanayunan. Maaaring ang iba sa kanila'y nakapagsimula na, subalit sa kadahilanang kulang sila sa supporta ng ating lokal na pamahalaan (financial and/or technological), hanggang doon na lang sila at ang kanilang sininop na i-adhika'y walang natatamong pagbabago o kaunlarang masasabi.
Life has to go on, gaano man ito kahirap at alam kong tayong mga Marinduquenos ay masisikap at masisipag. Bibihira sa atin ang mga matatawag na tamad dahil ito'y isang negatibong katangian na maaaring maka-reflect or maka-apekto sa ating pamilya o angkan. We will not allow anybody to call us, tamad or batugan diba? Masakit sa tenga at mabigat dalhin sa dibdib, maliban na lang kung talagang may katotohanan ang nasabing akusasyon.
There are still a lot of rooms for improvements sa ating mga kanayunan, mga pamayanan at maging sa kabuuhan ng ating probinsiya. Sa pagkakataong ito, ako'y nagpapasalamat sa pagkakaroon ko ng komunikasyon na nagsimula nitong nakaraang araw sa Presidente ng Grupo or Samahan Ng Mga Kabataang Marinduqueno (SAKAMAR) na si, Romeo Almonte Mataac, Jr. (Jay-R). At least, sa aming pasimulang-palitan ng mga kuro-kuro, we were able to discuss things that are of paramount importance to establishing and achieving what we call sustainable development sa ating mahal na probinsiya.
In this regard, ang aking target base dito ay ang tinatawag nating "grass-roots level" at sa maaaring pakikipagtulungan o pakikipag-kooperasyon ng Grupong SAKAMAR, we will be able to decipher every angles of any project that would boost or help us in achieving our countryside development.
I am calling as well the attention of Marinduqueno OFWs (retired or presently-based) and/or their immediate families na makipagtulungan sa paglulunsad ng mga Proyektong Pangkabuhayan na makakapagbigay ng karagdagang kita sa ating mga kababayang walang kakayanang makipagsapala-ran sa mga lungsod o sa ibang bansa and to alleviate poverty in our province.
Sa pamamagitan ng paglulunsad ng iba't-ibang simpleng hanapbuhay sa pakikipagtulungan ng iba't-ibang ahensiya ng ating lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Gov. Bong Carrion, DTI Director Carling Fabalena & Staff, DA, Consultant Ret. General Recaredo A. Sarmiento, DA Chief Luz Padernal, Provincial Vet., Josue Victoria, DOST OIC Bernie Caringal, mga Sangguniang Pambayan Members, Sangguniang Panlalawigan Members, Samahan ng mga Barangay Officials, atbp., I have no doubt at all, na ang anumang mabubuting hangarin nating mga Marinduquenos tungo sa pagtatamo ng kaunlaran at pagsulong ng ekonomiya ng ating mahal na probinsiya ay ating maisasakatuparan.
Huwag din sana nating kalilimutang ang ating dating Congressman Edmund O. Reyes maging ang pangkasalukuyang Congresswoman, Carmencita O. Reyes ay mga kasangga ng ating mga mamamayan sa iba't-ibang proyekto ng ating lalawigan, be it educational, social & economic, etc. in sense).
Inaanyayahan ko ang mga kababayan nating may mabubuting kalooban at nakahandang makipagtulungan, na makipagpalitan ng kuru-kuro sa pamamagitan ng medium na ito (Marinduque Forum) at dito natin talakayin ang anumang pagpaplano sa ikasusulong ng ating mga pamayanan. Maaari din ninyo akong mapadalhan ng email tungkol sa inyong mga katanungan o tungkol sa mga bagay-bagay na maaari nating mapag-usapan para sa ikauunlad ng ating mga mamamayan at probinsiya.
My email addresses are: monagren@gmail.com ; monagren@hotmail.com ; mmpcoop@gmail.com
I welcome everyone to write me soon.
MABUHAY TAYONG MGA MARINDUQUENOS!
MABUHAY ANG MARINDUQUE!
GOD BLESS US ALL AND MORE POWER!
2 comments:
Mr. Almonte,
I appreciate your efforts.
I admire your vision.
I am from Biliran Province, and I have youth org too (3,500 members), we can duplicate your efforts to help save the environment, and mobilizing youth resource. God bless.
Pls keep me posted. Thanks.
*Romeo "Bong" Almonte
rbalmonte214@yahoo.com
09053327633, 02 7032290
Mr. Almonte,
I appreciate your efforts.
I admire your vision.
I am from Biliran Province, and I have youth org too (3,500 members), we can duplicate your efforts to help save the environment, and mobilizing youth resource. God bless.
Pls keep me posted. Thanks.
*Romeo "Bong" Almonte
rbalmonte214@yahoo.com
09053327633, 02 7032290
Post a Comment