Inspirational Words ni Romeo Mataac, Jr., para sa Ikalawang Season ng Basketball Tournament ng Kabataang Samahang Marinduqueno. Inihayag sa Lumera Tower Gym, Sampaloc, Maynila noong ika-8 ng Oktubre 2017.
Sa ating hinahangaan na founder ng Kabataang Samahang Marinduqueno, Kabayang Angel Zoleta III, sa mga tagapamuno at organizer ng 2nd Season 12th Kasamarin Association, Inc. (KAI) Yuletide Basketball League 2017 sa pangunguna ng ating napakasipag na pangulo, Macmac Naranjo, sa mga nagkikisigan at nagagwapuhang mga manlalaro, ei ay dangan laang at kababayan kaya aking apurihin ng husto (kidding), sa mga panauhin at manonood, isang mapagpalang ngani, baya, mandin sa ating lahat.
“Self-development through camaraderie and healthy competition towards unity and excellence”, iyan ang tema ng ating tormeo, isang paksa na batid kong talaga namang pinag-isipang mabuti ng mga organizer. Muntik na nganing hindi ko tanggapin itong imbitasyon, noong nabasa ang inyong paksa sapagkat, salitang Marinduqueno laang baya ang alam kong intindihin, anong mangol ko baya sa wikang Ingles. Kidding aside, ang tournament na ito ay hindi lamang upang ipakita ang galing at husay ng Kabataang Marinduqueno sa paglalaro ng basketball, for me it is just secondary, ang una at pinakamahalaga para sa akin ay kung paano ninyo ipakikita ang pagkakaisa at sportsmanship sapagkat batid ko na ito ang hangad ni Kabayang Angel ng umpisahan n’ya ang samahan at gawaing ito, upang tayo ay magkakila-kilala (camaraderie) at magsama-sama (unity). Batid ko na ang ilan sa inyo ay dito na sa Kamaynilaan naninirahan at naghahanap-buhay, gayundin ang ilan ay bihira ng umuwi sa ating mahal na lalawigan.
Kaya naman, buong puso ang aking pagsaludo sa lahat ng bumubuo sa gawaing ito sapagkat nabigyan tayo ng pagkakataon upang tayo ay magkita-kita at magkumustahan. Imagine 14 years na ang nakalilipas ng maitatag ang grupong ito. Sa tagal nang panahong iyon, hindi ko lubos mawari kung gaano katatag at katibay ang samahang nabuo ng bawat koponon. Sabi ngani ng paborito kong basketball team, ang San Miguel Beer, "Samahang Walang Katulad". Nawa ay iyan ay inyong panghawakan upang kamtin ang tropeyo ng karangalan.
That being said, hindi ko na apatagalin pa ang aking pananalita sapagkat nakikita at nararamdaman ko na ang excitement ng bawat isa sa pagbuslo ng bola.
Muli, magandang hapon sa inyong lahat, just enjoy the game, bawal ang pikon sapagkat ito ay katuwaan laang mandin.
Photos courtesy of Edward Vitto (c) 2017 | Video can be viewed here.

Kasamarin Officers with the Zoleta Family |