Inspirational Words ni Romeo Mataac, Jr., Asst. Corporate Secretary, MFSMI sa Pagdiriwang ng Ikalawang Season ng Basketball Tournament ng Kabataang Samahang Marinduqueño.
Inihayag sa Lumera Tower Gym, Sampaloc, Maynila noong ika-27 ng Sep 2015.
Sa lahat ng mga tagapamuno at nag-organisa ng Kabataang Samahang Marinduqueno (KASAMARIN) 2nd Season Basketball Tournament, sa mga nagkikisigang manlalaro, sa mga panauhin at mga manonood, isang mabuti at pabebeng hapon po sa inyong lahat.
"Katuwaan Laang Mandin", iyan ang tema ng ating torneo, isang paksa na animo’y simple subalit napakahalaga at napakalalim ng kahulugan sapagkat sa likod ng katuwaan at kasiyahan, sakripisyo, teamwork, sportsmanship at disiplina ang kailangan sa larong ito. Higit sa lahat dapat ay mayroon kang puso, sabi ngani ng Gilas Pilipinas at iyan ay kitang kita naman sa bawat isa sa inyo. Kaya naman, ngayon pa lamang ay binabati ko na kayo, on behalf of Marinduque First Saturday Movers, Inc. together with our chairman, General Recaredo Sarmiento, congratulations to all you.
Sadyang nakakatuwang isipin, na sa kabila ng pagkakawalay natin sa ating mahal na lalawigang Marinduque ay mayroong ganitong pagkakataon upang tayo ay magkakasama-sama at magkakakila-kila. Lubha ang aking kasiyahan sapagkat, nabibigyan ng oportunidad ang mga kagaya nating Kabataang Marinduqueno na payabungin ang angking talento sa pamamagitan ng ganitong programang pampalakasan o sport.
Kaya po, buong puso ang aking personal na pasasalamat at pagpupugay sa lahat ng bumubuo ng Kabataang Samahang Marinduqueno sa pangunguna nina Mr. Angel Zoleta at Ray Mark "Mac Mac" Naranjo. Tanggapin nyo rin po ang pagsaludo ni General Sarmiento sa inyong grupo. Ayon po sa kanyang mensahe na ipinadala sa akin kaninang umaga and I quote “We will pray for the success of the tournament and its objectives be attained”.
Muli po maraming salamat, good luck, bawal ang pikon dahil ito ay katuwaan laang mandin!