The Avenue of Romeo Mataac, Jr.

Romeo Mataac, Jr.
Menu
  • Home
  • About
  • Advocacy
    • Community Involvement
    • Marinduque News Online
  • Avenue
    • Leisure
    • Writings and Speeches
  • Travel
    • Luzon
    • Visayas
    • Mindanao
    • World
  • News
  • Log In

Thursday, October 15, 2015

Ang buhay ni Rommel Luna

By Romeo Mataac, Jr.Thursday, October 15, 2015 No comments
Bata pa lamang ay nangangarap nang maging sikat na artista. Ang kauna-unahan niyang professional play ay ang “Jun at Johnny” kung saan ay isa siya sa dalawang bida para sa PETA noong 1992. Maraming pag-arte sa pelikula, telebisyon at entablado na ang nagawa niya, ang pinakahuli at ang pinakamapanghapon ay ang papel niya bilang isang psychotic na tatay nina Lauren Young at Maxene Magalona sa pelikulang “Catnip” para sa CinemaOne Originals sa direksyon ni Kevin Cayabyab Dayrit noong nakaraang taon.


Si Rommel ay tubong Mogpog, Marinduque, nagtapos siya ng kolehiyo sa pagiging isang working student. Nagtrabaho bilang janitor, messenger at marami pang iba. Habang nag-aaral ng AB Mass Communication sa FEU, siya ay nag-aahente sa mga courier companies, umeekstra sa mga pelikula at telebisyon at nagsusulat sa mga komiks.

Kumuha rin siya ng Masteral: Master of Fine Arts in Creative Writing sa De La Salle University. Sa kasalukuyan siya ay abala sa pagpapalago ng kanyang mga negosyo at abala sa Rommel Luna: Talks and Lyrics Youth’s Support Organization, Inc. ang dating Rommel Luna Foundation.

At sa pagpapatuloy, panoorin natin ang video.

Fellow participants, let us welcome Mr. Rommel Luna.
Read More

Sunday, September 27, 2015

Inspirational words para sa Kabataang Samahang Marinduqueno

By Romeo Mataac, Jr.Sunday, September 27, 2015Avenue, Writings No comments
Inspirational Words ni Romeo Mataac, Jr., Asst. Corporate Secretary, MFSMI sa Pagdiriwang ng Ikalawang Season ng Basketball Tournament ng Kabataang Samahang Marinduqueño. Inihayag sa Lumera Tower Gym, Sampaloc, Maynila noong ika-27 ng Sep 2015.

Sa lahat ng mga tagapamuno at nag-organisa ng Kabataang Samahang Marinduqueno (KASAMARIN) 2nd Season Basketball Tournament, sa mga nagkikisigang manlalaro, sa mga panauhin at mga manonood, isang mabuti at pabebeng hapon po sa inyong lahat.


"Katuwaan Laang Mandin", iyan ang tema ng ating torneo, isang paksa na animo’y simple subalit napakahalaga at napakalalim ng kahulugan sapagkat sa likod ng katuwaan at kasiyahan, sakripisyo, teamwork, sportsmanship at disiplina ang kailangan sa larong ito. Higit sa lahat dapat ay mayroon kang puso, sabi ngani ng Gilas Pilipinas at iyan ay kitang kita naman sa bawat isa sa inyo. Kaya naman, ngayon pa lamang ay binabati ko na kayo, on behalf of Marinduque First Saturday Movers, Inc. together with our chairman, General Recaredo Sarmiento, congratulations to all you.

Sadyang nakakatuwang isipin, na sa kabila ng pagkakawalay natin sa ating mahal na lalawigang Marinduque ay mayroong ganitong pagkakataon upang tayo ay magkakasama-sama at magkakakila-kila. Lubha ang aking kasiyahan sapagkat, nabibigyan ng oportunidad ang mga kagaya nating Kabataang Marinduqueno na payabungin ang angking talento sa pamamagitan ng ganitong programang pampalakasan o sport.


Kaya po, buong puso ang aking personal na pasasalamat at pagpupugay sa lahat ng bumubuo ng Kabataang Samahang Marinduqueno sa pangunguna nina Mr. Angel Zoleta at Ray Mark "Mac Mac" Naranjo. Tanggapin nyo rin po ang pagsaludo ni General Sarmiento sa inyong grupo. Ayon po sa kanyang mensahe na ipinadala sa akin kaninang umaga and I quote “We will pray for the success of the tournament and its objectives be attained”.

Muli po maraming salamat, good luck, bawal ang pikon dahil ito ay katuwaan laang mandin!
Read More
Newer Posts Older Posts Home

About Myong

Romeo A. Mataac, Jr. is a researcher in a leading global professional services company. He has 5 year background experience in finance and accounting operations and business process outsourcing. Read more, click here...

Loading...

Latest Tweets

A Twitter List by romeomataac

Places I Visited in PH


Blog Archive

  • ►  2022 (1)
    • July (1)
  • ►  2019 (3)
    • May (1)
    • April (1)
    • January (1)
  • ►  2017 (9)
    • October (1)
    • May (1)
    • April (1)
    • March (2)
    • February (1)
    • January (3)
  • ►  2016 (10)
    • December (1)
    • November (2)
    • July (1)
    • May (2)
    • April (1)
    • March (2)
    • February (1)
  • ▼  2015 (2)
    • October (1)
    • September (1)
  • ►  2013 (5)
    • June (1)
    • May (2)
    • April (1)
    • January (1)
  • ►  2012 (12)
    • December (2)
    • November (1)
    • August (2)
    • July (1)
    • May (2)
    • April (2)
    • March (1)
    • February (1)
  • ►  2011 (5)
    • May (1)
    • April (1)
    • February (2)
    • January (1)
  • ►  2010 (7)
    • December (1)
    • November (1)
    • September (1)
    • August (2)
    • July (1)
    • April (1)
  • ►  2009 (13)
    • October (13)
  • ►  2008 (33)
    • December (2)
    • November (14)
    • October (17)

Visitors Counter

Powered by Blogger.
  • Home
  • Community Involvement
  • Blog and Website
  • Travel
  • Writing and Speech
  • Gallery
  • Profile and Contact

Copyright © The Avenue of Romeo Mataac, Jr. | Powered by Blogger
Designed by Romeo Mataac, Jr. | Blogger Theme by Marinduque News Online