RTU - ABOT KAMAY TUNGO SA KADAKILAAN
Ni G. Romeo A. Mataac, Jr., Rizal Technological University
*Tinalumpati ni Romeo A. Mataac, Jr. noong ika-10 ng Oktubre 2007.

3rd Runner Up, RTU Week-Labanan sa Talumpati
*Muling inilaban sa talumpatian ni Ms. Joann Abad noong ika-11 ng Oktubre 2008.

Champion, RTU Week-Labanan sa Talumpati
Sa ating iginagalang na mga pinuno ng ating unibersidad, sa Lupon ng mga Hurado, mga propesor, mga empleyado , sa aking mga kamag-aral, mga kaibigan, sa mga panauhin na nandirito ngayon at sa lahat ng RTU’ians, isang mapagpala at pagpalaing “Linggo ng Pagkakatatag ng Rizal Technological University” sa inyong lahat.
Ang tao na nilikha ng Diyos ay may dalawang tadhana sa buhay. Ang una ay ang tadhana na makamit ang tagumpay at ang ikalawa ay ang tadhana na di-maabot ang pangarap sa buhay. Ang tanong, bakit hindi kaya nakamit ang tagumpay? Alam ng lahat na walang nilalang ang Panginoon na di-maganda sa mundong ito. Lahat ay kaaya-aya sa kabuuan. Ngunit kung minsan tayo ring nilalang ang dahilan ng ating kinalalagyan at patutunguhan.
Sa puntong ito mga kaibigan, nais kong bigyang pakahulugan ang paksang nakapaloob sa ating pagdiriwang “RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY: ABOT KAMAY TUNGO SA KADAKILAAN”.
Nasaan ba ang Rizal Technological University ngayon at ano ito sa darating na sampung taon? Walang tiyak na kasagutan kung ito’y magmumula sa iilan lamang, bagkus, tayong lahat mga mag-aaral, mga guro, mga kawani at administrador ang sasagot, kung saang pedestal ng kaunlaran at kadakilaan ang makakamit ng Rizal Technological University sa darating na sampung taon.
Tayong mag-aaral ay may malaking bahagi na dapat gampanan upang maabot ng unibersidad ang kaunlaran ng mga mag-aaral at ng mamayan sa iba’t-ibang komunidad. Lingunin natin ang nakaraang limang (5) taon, kung saan ang mga gusali ay hindi pa gaanong kagandahan at higit sa lahat ay halos siksikan ang mga mag-aaral.
Ngunit sa ngayon, dahil sa mataas na kalidad at kagamitang panturo, maraming mag-aaral ang nahikayat upang dito sa Rizal Technological University, magtapos ng kanilang pag-aaral. Sa pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral ay siya ring taas ng pananalapi ang nalikom ng unibersidad na siyang gamit sa pagpapaganda ng imprastraktura at makabong kagamitan.
Bahagi rin ang disiplina na ibinibigay ng mga mag-aaral, upang mapanatiling malinis at kaaya-aya sa paningin ng pamayanan ang ating Inang Paaralan.
Muli, naanyayahan ko ang lahat na lumingon sa kapaligiran, sampung taon mula ngayon. Lubos na kadakilaan sa kagandahan at kalinisan ang ating masasaksihan.
Dumako tayo sa mga piling gurong tagapagpalawak ng kaisipan. Kalahating porsyento ang bahagi nila para sa dakilang layunin ng mga mag-aaral. Kung sa panahon ngayon ay marami ang nakakapasa sa anumang pagsusulit na bigay ng pamahalaan, ito ay tiyak na doble sampung taon mula ngayon, dahil sa mataas na kalidad sa pagtuturo ang alay ng mga gurong may puso.
Mga kaibigan, kung ang mataas na kalibreng ito sa pagtuturo ay patuloy na maibibigay sa mga mag-aaral, tila ba, nababanaag ko na, na ang magtatapos sa paaralang ito, sampung taon mula ngayon ay may mataas na tungkuling hahawakan sa ating pamahalaaan, pribado o publiko man.
Ngayon, tunghayan naman natin ang administrasyon ng Rizal Technological University, kung saan nakasalalay ang bilis at agos ng tagumpay ng ating unibersidad. Sa administrasyon din nakasalalay ang pagbagsak ng tagumpay kung hindi nito pagbubutihin ang pamamalakad at higit sa lahat, administrasyon din ang magpapatupad ng adhikain at mithiin ng ating paaralan sa darating na henerasyon.
Sa kabuuan, mababanaag natin ang sigla, lakas at nagkakaisang pamilya ng Rizal Technological University sa susunod na panahon kung taglay nito ang mahahalagang katangian:
Una : Mayroong siyamnapu’t limang porsyento na displinadong mag-aaral.
Ikalawa : Mayroong siyamnapu’t limang porsyento na kalidad sa pagtuturo ang alay ng paaralan.
Ikatlo : Dagdag na gusaling kaaya-aya para sa mga kursong napapanahon at,
Ika-apat : Mayroong malakas na pagkakaisa at hawak-kamay ang lahat upang matupad ang dakilang layuning ito.
Maabot din ng Rizal Technological University, na mapahanay sa bilang ng mga unibersidad sa buong kapuluan na halos wala ka ng hahanapin pang kahinaan, kundi pawang kadakilaan sa mga serbisyong bigay, lalo na sa mga mag-aaral at maging sa iba’t-ibang pamayanan.
Sa wakas, dakila ang tadhana ng Maykapal para sa ating Inang Paaralan, upang makamit ang nasang kadakilaan na magsilbi sa lipunan at sa bayang ating ginagalawan. Ika nga ng Himnong RTU’ians sa wikang Ingles.
Keep the flame alive

Burning in our hearts
That we may truly serve
Our God and Country.
Hero’s name we claim
Beloved school so dear
Hand in hand let us move
Onward to greatness, Rizal Tech!
Mga mag-aaral, mga guro, mga iginagalang na administrador ng unibersidad, halina kayo at sama-sama nating abutin ang mithiin at layuning kadakilaan ng ating Mahal at Inang Paaralan, Rizal Technological University.
Marami pong salamat at magandang hapon sa inyong lahat.

0 comments:
Post a Comment